marlster’s pieces

September 4, 2009

lp 03.09.2009 – lakad

Filed under: Ifugao,Litratong Pinoy — tres @ 6:34 am
Tags:
are we there yet?

are we there yet?

Gamit ang baston na aking nirentahan kay manong at ang natitirang lakas pagkatapos ng dalawang araw nang paglalakad sa mga bundok ng Sagada, isa na namang ilang oras na paglalakad ang aming hinarap upang marating ang Banaue Rice Terraces. Dahil sa pagod sa pangatlong araw ng hiking, hindi ko masyadong na-enjoy ang view ng pinagmamalaking rice terraces dahil na rin sa gahol na kami sa oras ng kami’y pumunta doon at hindi na napuntahan ang viewpoint na nakikita palagi sa larawan. Kaya naman plano ko pa ring balikan ito at sa susunod, titiyakin ko nang may sapat akong lakas para sa malayo-layong lakad.

Kuha ito noong Nobiyembre 2007, higit na isang taon na pala ang nakararaan.

Advertisements

Create a free website or blog at WordPress.com.