marlster’s pieces

April 30, 2009

lp 30.04.09 – tulay

Filed under: Litratong Pinoy — tres @ 12:07 pm

Ang Ugnayan Bridge sa Tam-awan Village ng Baguio

Nang makita ko ang nasabing tulay, naalala ko ang aking pagkabata. Sa bahay kasing pinatayo ng aming lolo at lola, dahil sa nakaangat ng mga isa at kalahating metro mula sa lupa ang bahay (ginagawang imbakan ng palay atbp at tirahan ng mga manok ang ibaba nito), merong “tulay” na may sukat na mga sampung metro ang haba at dalawang metro ang lapad na nag-uugnay sa pinakabahay at sa lutuan at kusina nito (nakahiwalay ito sa bahay). Ang tawag namin dito sa iluko ay bansag. Yari sa kawayan ito (gaya ng nasa itaas). Sa tulay na ring ito nakapuwesto ang paminggalan sa bandang kusina at ang poso at paliguhan sa kabilang banda.

Ang pinaka-naalala naming unang magpipinsan sa tulay na iyon ay yung maraming beses din kaming nahuhulog sa mga siwang nito o kaya’y ‘pag minalas kang makaapak sa mahinahinang parte ng tulay. Ang sakit nito sa paa – kadalasan may gasgas pa.

Nung huli naming pagpunta sa bahay kung saan ko ginugol ang mga unang parte ng aming pagkabata, wala na ang tulay na iyon. Ang Ugnayan Bridge na lang ang ang “nag-ugnay” sa aking nakaraan. Nasabi ko na lang, “meron kami dati niyan.” Sa katunayan nga, nag-iisa ang tulay na iyon. Hanggang sa ngayon, wala pa akong nakikitang ganung istraktura maliban na lang siguro kung ang bahay na iyon ay nasa tubigan.

(When I saw the bridge, I remembered my childhood days. Our grandparent’s home, built on a typical old barrio structure where the bottom part of the house are used as storage and home for domesticated animals, there used to be a “bridge” that connects the main house from it’s kitchen/dining area (yes, it was separated from the whole house). It is about 10 meters long and two meters wide. In Ilocano, we call it bansag. It is made of bamboo like that of above picture. On the bridge there is a bamboo-made kitchen sink on the kitchen/dining area end and the water pump and bath area on the other end.

What we (together with my older cousins) remember the most on the said bridge are the many times our feet be caught in between loose ends of bamboo panels or when there are weak panels that needs replacement. The pain was excruciating!

The last time we visited the place where we spent our first part of our childhood years, the bridge was no longer there. And Ugnayan Bridge “connected” me and my past. I’ve told myself, “we once have that, too.” As a matter of fact, the one we had was one-of-kind. Until now, I have yet to see an structure like that unless for houses that stood in waters.)

;-). trip lang mag-translate

April 29, 2009

how sweet it is (to bee loved by you)

Filed under: Uncategorized — tres @ 7:24 pm

The true and loving soul acts like a bee which extracts the sweetness of many flowers to make its honey.

April 23, 2009

lp 23.04.09 – gusali

Filed under: Litratong Pinoy,Macau,Places,Projects — tres @ 12:19 pm

Pinalad na rin akong mapadpad sa Macau mahigit dalawang taon na rin ang nakaraan. Kilala ang Macau ngayon bilang “Las Vegas” ng Asya sa dami ng mga gusaling pasugalan, shoppingan at mga hotel na nakatayo na at marami pa ring pinapatayo. Isa sa mga pinapatayo sa panahong iyon ang nasa itaas na larawan. Hindi ako sigurado pero kung hindi ako nagkakamali at base na rin sa korte ng gusaling ito, malamang ito na ngayon ang Grand Lisboa.

Dati’y wala lang. Ngayon, isa na rin ang gusaling ito ang nakikipaligsahan sa mga iba pang pasugalang may makukulay at ubod kinang na mga ilaw na nanghihikayat sa mga turista at manunugal na pasukin at makipagsapalaran sa mga iba’t ibang laro o kaya’y tumambay lang ng konting sandali para panoorin ang ganda nito.

April 22, 2009

that’s the sweet touch of love

Filed under: Uncategorized — tres @ 12:17 pm

When a cold chill begins to burn at your very soul
That’s the sweet touch of Love
When just the drop of a name begins to sting your very toe
That’s the sweet touch of Love
Just the thought about seeing you would blow my mind
That’s the sweet touch of Love
I was about to give up but you came just in time
With your sweet touch of Love

Next Page »

Blog at WordPress.com.