marlster’s pieces

February 24, 2009

lp021909 – tipanan (date)

Filed under: Litratong Pinoy — tres @ 1:04 pm

Isang nakaw na kuha sa magkatipan habang sila’y nag-i-snorkle. Ang kanilang tipanan, sa Snake Island ng Honda Bay, Puerto Princesa, Palawan (Summer 2007).

Huli man daw at magaling, huli pa rin. Nagkakaproblema ako sa pag-a-upload ng mga larawan sa internet kaya tumitingin na lang muna ako sa mga larawang naka-upload na para magkaroon lang ako ng lahok sa Litratong Pinoy.

February 18, 2009

lp 12.02.09 – hugis puso

Filed under: Litratong Pinoy,Projects — tres @ 6:27 pm

Sabi nga ng isa sa mga natutunan kong bugtong noong bata pa ako: “Hugis puso, kulay ginto – Masarap kainin, mahirap kunin”

February 6, 2009

Tikman mo

Filed under: Litratong Pinoy — tres @ 1:38 pm

Nitong nakaraang kapaskuahan, akala ko isa na namang planner o kaya ay anumang gamit para sa opisina ang natanggap ko mula sa isa sa mga boss ko kaya hindi ko pa ito binubuksan pagpasok ko noong Enero. Makalipas ng tatlong linggo, saka ko pa lamang ito naisipang iuwi. Nang buksan ko ito, tsokolate pala ang laman. Ang sweet naman niya. Buti na lang hindi ito nasira at nakalagay ito sa latang lalagyan kaya hindi ako naunahan ng mga daga sa opisina.

Ito ang aking tsokolate para sa Litratong Pinoy.

Create a free website or blog at WordPress.com.