marlster’s pieces

January 14, 2009

Buksan Mo

Filed under: Litratong Pinoy,Projects — tres @ 1:18 pm
Tags:

Matapos ng isang taong pagkakatulog, bubuksan ko uli ang blog na ito. Simula kasi nang masira ‘yung kamera na aking ginagamit kasama na ng iba pang kadahilanan, hindi ko na rin naasikasong i-update o bisitahin man lang ang blog na ito. Ngayong mukhang maayos na ang lahat, sana makakapagsimula uli ako. At sana sa pagkakataong ito, mas regular na uli akong makakapag-post at wala nang magiging abala.

At para mapipilitan akong magpost ng regular, subukan kong sumali uli sa photohunting. Ngayon sa Litratong Pinoy naman. Hahabol ako sa tema nila para linggong nakaraan para makadalawa agad ako sa linggong ito.

Ang larawang nasa itaas ay aking kuha para sa temang pula.

Ang kahon ay mula sa isa sa paborito kong boss sa opisina bilang regalo noong Pasko. May laman pa iyang mga cookies. Binibigay ko ang mga ito sa mga pamangkin ko ng paisa-isa bilang “suhol” kung may gusto akong ipagawa sa kanila o kaya’y para mas mapalapit sila sa akin.

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Create a free website or blog at WordPress.com.