marlster’s pieces

January 30, 2009

Si Grimace

Filed under: Litratong Pinoy — tres @ 12:42 pm
Tags:

Kung ako siguro ang nakakita sa kanya noong bata pa ako ay matatakot ako sa mascot na ito ng McDo. Sa kulay at laki kasi nito, parang nangangain siya ng bata. Para siyang monster sa nababasa ko noon sa komiks.

Pero para sa mga batang aming nakilala, siya ay isang kaibigan na pedeng yakapin at maging kalaro. Mabait at mapagmahal naman kasi siya. Totoo. Tanungin mo pa sa matalik niyang kaibigang si Ronald. Magaling din siyang sumayaw.

Kuha iyan dalawang taon na ang nakararaan sa party na binigay para sa mga kapuspalad na kabataan bilang bahagi ng CSR ng kompanya kung saan ako nagtatrabaho.

Ito ang aking lahok para sa temang lila (violet) ng Litratong Pinoy.

Advertisements

January 26, 2009

Kanbas

Filed under: Litratong Pinoy — tres @ 1:33 pm
Tags:

Bihira akong makakita ng paglubog ng araw nitong nakaraang mga araw kaya nung makita ko muli ang larawang ito, namamangha pa rin ako sa ganda ng sining na gawa ng kalikasan. Araw-araw iba’t-ibang sining ang iyong matutunghayan sa paglubog ng araw. Minsan mas matingkad pang kahel ang iyong makikita. Minsan mas makulay pa. Galing talaga.

Kuha pa rin iyan sa Donsol, Sorsogon noong nakaraang taon. Ito ang aking lahok sa temang kahel ng Litratong Pinoy.

January 15, 2009

Takipsilim

Filed under: Litratong Pinoy,Projects — tres @ 7:23 pm
Tags:

Ito ang aking kuhang larawan para sa temang Asul ng Litratong Pinoy.

Kuha ko yan sa Donsol, Sorsogon noong nakaraang taon habang kami’y sakay ng bangka para mag-firefly watching.

January 14, 2009

Buksan Mo

Filed under: Litratong Pinoy,Projects — tres @ 1:18 pm
Tags:

Matapos ng isang taong pagkakatulog, bubuksan ko uli ang blog na ito. Simula kasi nang masira ‘yung kamera na aking ginagamit kasama na ng iba pang kadahilanan, hindi ko na rin naasikasong i-update o bisitahin man lang ang blog na ito. Ngayong mukhang maayos na ang lahat, sana makakapagsimula uli ako. At sana sa pagkakataong ito, mas regular na uli akong makakapag-post at wala nang magiging abala.

At para mapipilitan akong magpost ng regular, subukan kong sumali uli sa photohunting. Ngayon sa Litratong Pinoy naman. Hahabol ako sa tema nila para linggong nakaraan para makadalawa agad ako sa linggong ito.

Ang larawang nasa itaas ay aking kuha para sa temang pula.

Ang kahon ay┬ámula sa isa sa paborito kong boss sa opisina bilang regalo noong Pasko. May laman pa iyang mga cookies. Binibigay ko ang mga ito sa mga pamangkin ko ng paisa-isa bilang “suhol” kung may gusto akong ipagawa sa kanila o kaya’y para mas mapalapit sila sa akin.

Blog at WordPress.com.